Ang PhilHealth YAKAP ay programa ng gobyerno na naglalayong tulungan ang mga Pilipino na mapangalagaan ang kanilang kalusugan at maiwasan ang sakit.
Babantayan ng mga YAKAP Clinics ang kalusugan ng mga miyembro para ang bawat Pilipino ay mapanatili ang mabuting kalusugan, maagang matukoy ang anumang karamdaman, at mabigyan ng kaukulang gamot para hindi na lumala ang sakit at maiwasan ang pagpapa-ospital.
Lahat tayo – miyembro o dependent, bata man o matanda – ay kasama sa programang ito para maging malayo tayo sa sakit!