PhilHealth

home | contact us | disclaimer
PhilHealth Konsulta Caravan tuluy-tuloy ang paglilibot sa Region XII

PhilHealth Konsulta Caravan tuluy-tuloy ang paglilibot sa Region XII 10-04-2024

Koronadal City – The Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Regional Office (PRO) XII recently held its first round of Training of Trainers (TOT) on PhilHealth Learners’ Materials to Music, Arts, Physical Education and Health (MAPEH) teachers in the SoCCSKSarGen Region to instill the value of having social health insurance coverage to the region’s young citizens.

Patuloy ang pinaigting na PhilHealth Konsulta Caravan sa iba’t-ibang bahagi ng Region XII para marehistro ang mas maraming Pilipino sa Konsultasyong Sulit at Tama, o Konsulta Program.

Mula Marso hanggang Setyembre 2024, siyam na caravan na ang itinanghal sa rehiyon at dadayo pa ang Konsulta Caravan sa iba pang probinsya ng SoCCSKSarGen sa mga susunod na buwan.

Sinimulan ang caravan sa lalawigan ng South Cotabato noong March 14, 2024, kung saan higit 1,500 PhilHealth members ang nakatanggap ng health screening at assessment, laboratory exams, at mga gamot para sa mga piling karamdaman. Katuwang ng PhilHealth ang South Cotabato Provincial Hospital, City Health Office ng Koronadal City, at mga Rural Health Units ng Tupi, Tantangan at Tampakan sa pagbibigay serbisyo sa mga dumalong miyembro.

Nagdaos din ng Konsulta Caravan sa General Santos City noong March 25, 2024 na dinagsa ng lagpas 1,000 beneficiaries. Kasama naman dito ang FPOP Community Health Care Clinic, St. Elizabeth Hospital, Socsargen County Hospital, Sarangani Bay Specialists Medical Center, PNP Regional Medical and Dental Unit 12, at West Rural Health Unit naturang Konsulta-accredited providers ng lugar.

Ilan pa sa mga napuntahan pang Konsulta Caravan sa South Cotabato ay ang mga bayan ng Banga, Surallah, Norala, Lake Sebu, Tampakan, Tantangan at Tupi. Inaasahang sa susunod na buwan ay bibisitahin ng PhilHealth ang mga lalawigan ng Cotabato at Sultan Kudarat.

Sa ngayon, higit 1.6 milyong PhilHealth members na mula Region XII ang nakapagpatala sa Konsulta at nasa 264,000 naman ang sumailalim sa first patient encounter (FPE) at nakatanggap ng ibat-ibang tulong medikal. END