Dinaluhan ng halos 700 San Joseño ang PhilHealth Konsulta Caravan sa Bulacan noong ika-27 ng Pebrero 2024. Sila ay binigyan ng serbisyong pangkalusugan sa pangunguna nina PhilHealth Regional Office (PRO) III-B Acting Branch Manager Arlan M. Granali, Cong. Florida “Ate Rida” P. Robes, Department of Health (DOH) Regional Director Corazon I. Flores, City Health Officer Dr. Roselle Tolentin0, PhilHealth Sta. Maria Head Placido Mallari, at SM Foundation.
Ginanap ang Konsulta Caravan sa City Sports Complex, Brgy. Minuyan Proper, Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan kung saan ang mga San Joseño ay nairehistro at nakagamit ng PhilHealth Konsulta, mga programang pangkalusugan, at medical mission kasama ang pagbibigay ng mga kinakailangang gamot.
Ang mga programang pangkalusugan ay buong pusong sinuportahan ni Mayor Arthur Robes, kung saan ibinahagi ni Cong. Robes at Dr. Tolentino, katuwang ang lokal na pamahalaan, DOH, PhilHealth, DSWD, health care providers, at barangay health workers (BHW), na ang bawat tahanan sa mga barangay ay pinupuntahan para marehistro sa PhilHealth, ma-assign sa Konsulta provider, at maisama sa mga medical mission at mga programang pangkalusugan ng lungsod.
Kasama sa mga mga programang pangkalusugan at social services ay ang libreng medikal na konsultasyon, diagnostic (bone density scan, ECG, Chest X-ray, clinical chemistries, hemoglobin testing), mga gamot, health kit, dental services, PhilHealth registration, ID at Member Data Record (MDR), Konsulta assignment, birth certification, PSA National ID, at financial assistance.
Ayon kay PRO III-B Acting Branch Manager Granali, tuloy-tuloy ang mas pinalawak at mga bagong benepisyong pangkalusugan mula sa PhilHealth alinsunod sa adhikain ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos. Layunin ng mga programa ng PhilHealth, tulad ng ibang ahensya ng gobyerno, na iparamdam ang kalinga at mga serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan. Ang PhilHealth Konsulta Caravan sa mga siyudad at bayan ay bahagi rin ng paggunita sa ika-29 na anibersaryo ng PhilHealth na may temang “Damang-dama ko ang Benepisyo”.
Aktibo ring nakilahok at nagbigay-serbisyo sa mga San Joseño ang mga pamunuan ng mga barangay ng Lungsod sa San Jose Del Monte, DOH Management Development Officer Clarita G. Alviar, PhilHealth Local Health Insurance Office (LHIO) Malolos Head Zenaida Dela Vega, LHIO Gapan Head Angelito Creencia, LHIO Cabanatuan Head Marvy Robledo, LHIO Baler Head Grace Aquino, Benefit Administration Section B Head Dr. Liza Magno, Membership Section B Head Michael M. Maglanque, Planning and Member Manegement Section Head Annielyn Paule, Francis Estrella ng Office of the Vice President for PRO III, support team mula sa LHIO Sta. Maria, LHIO Malolos, Membership Section-B at Public Affairs Unit, at ang sumulat nito. ###
By: Monifer S. Bansil, Head-Public Affairs Unit