PhilHealth


home | contact us | sitemap | disclaimer

News

2.5 M Kasambahay magkakaroon na ng benepisyong PhilHealth February 11, 2013

Humigit kumulang 2.5 milyong kasambahay ang magkakaroon na ng benepisyo mula sa PhilHealth matapos maisabatas kamakailan ang Republic Act. No. 10361.

Nilalayon ng nasabing batas na protektahan ang mga karapatan ng mga kasambahay, family driver, kusinera, labandera, yaya at iba pang nagtatrabaho bilang kasama-sa-bahay sa pamamagitan ng patas na pasahod at mga benepisyong gaya ng PhilHealth insurance, SSS at Pag-IBIG.

Ang kasambahay at dependents nito gaya ng legal na asawa, mga anak na mababa sa 21 taon, at mga magulang 60 pataas, ay dapat may PhilHealth coverage para sa kaukulang proteksyong pinansyal sakaling ma-confine sa mga accredited hospital sa bansa.

Para marehistro, kailangang magsumite ng PhilHealth Member Registration Form ang kasambahay kalakip ng mga dokumento para sa dependents at isumite sa malapit na PhilHealth Local Health Insurance Office.

Ang taunang kontribusyon na P1,800 ay maaaring bayaran kada-quarter o semi-annual at dapat sagutin ng employer kung ang buwanang suweldo ay mababa sa P5,000. (END)



News Archives